
Si Kiana Monique Lavadia Abejero ay isang estudyante sa Lyceum of the Philippines University. Siya ay kasalukuyang nag-aaral sa baitang 11(labing-isa) ng senior high school. Mahilig siyang kumanta, sumayaw, at gumihit ng mga larawan kaya naman ang kanyang kinuhang strand sa senior high school ay ang Arts and Design Track o mas kilala bilang ADT. Siya ay hindi lamang mahilig sa sining, hilig din niya ang isports tulad ng taekwondo, football, at gun shooting sports. Marami na siyang nakuhang titulo sa larangan ng sining at isports. Nais niyang maging isang sikat na mang-aawit sa ibang bansa at sa Pilipinas, ngunit kung hindi papalarin, itutuloy niya ang kolehiyo at mag-aaral ng architecture.