IS Week
- Kami ay naghahanda para sa pictorial ng aming exhibit ng aming section. Nagpicture kami ng iba kong mga kaibigan habang naghihintay.

- Ang larawan na ito ay kinuha sa isang istudiyo. Nag-eensayo ang aming banda para sa napaparating na exhibit.

- Ito ang kinalabasan ng pictorial namin. Bawat isa sa aming section ay may kanya-kanyang larawan tulad ng nasa baba. Ang larawan na ito ay ginamit naming display photo sa aming nga Facebook upang maipromote ang aming exhibit.

- Kabilang ako sa mga mang-aawit sa aming banda. Ang kinanta ko rito ay ang Noypi na kinanta ng sikat na mang-aawit na si Bamboo.

- Ito ang banda namin para sa aming exhibit. Hindi kami kumpleto sa larawan sapagkat nagbihis na ang iba dahil uwing-uwi na.

- Ito ang section namin, ADT 112. Kakatapos lang ng aming exhibit. Kaming lahat ay tuwang tuwa sa kinalabasan ng aming paghihirap.

- Ang larawan na ito ay kinuha ko habang hindi pa nagsisimula ang 2nd batch namin para sa exhibit. Kami ay nagpapahinga sa ibang room dahil mahilig doon at napakainit sa aming room.

- Wala kaming magawa sa room kaya nagpicture picture nalang kami ng iba kong mga kaibigan. Hindi pumasok ang aming mga guro dahil IS week pero marami silang iniwang gawain samin :<




